TABANG OFW

Ang Tabang OFW Program ay isang tugon ng CHED at ng DOLE sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 27, 2020 upang magbigay ng tulong, tulad ng pagsasanay at mga scholarship sa mga dependents ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na pinabalik sa bansa dahil nawalan ng trabaho o namatay dulot ng pandemyang COVID-19.

ANO ANG TABANG OFW PROGRAM?

Ito ay isang Tertiary Education Subsidy (TES) para suportahan at maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga OFW dependents na nasa kolehiyo.

Ang kwalipikadong benepisyaryo ay makakatanggap ng 30,000.

Isang (1) college-level dependent ng OFW na pinabalik, nawalan ng trabaho o namatay sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ang dependent ng OFW ay ang mga sumunusod:

Para sa Kasal na OFW

    • Anak na hindi kasal, 30 taong gulang pababa

Para sa Hindi Kasal na OFW

    • Anak/Kapatid/pamangkin na hindi kasal, 30 taong gulang pababa
  1. Filipino citizen;
  2. Kwwalipikado sa admission at retention requirements ng mga SUCs’ CHED-recognized LUCs’ at pribadong HEIs’ at hindi pa lumagpas sa Maximum Residency Requirements nito;
  3. Hindi pa na-expel sa anumang HEI;
  4. Enrolled sa isang undergraduate post-secondary program ng SUCs, CHED-recognized LUCs at programa ng pribadong HEI na nasa CHED Registry;
  5. Isang dependent ng isang OFW na sertipikado ng DOLE-OWWA na pinauwi, nawalan ng trabaho o namatay dahil sa COVID-19 pandemic; at
  6. Hindi benepisyaryo ng isang scholarship o grant mula sa anumang ahensya ng gobyerno.

(Ang mga benepisyaryo ng Project EASE ay maaari pa ring mapabilang sa Tabang OFW Program.)

  1. Ang OWWA at mga Regional Welfare Offices (RWOs) nito ang tatanggap at susuri sa mga aplikasyon ng OFW na naapektuhan ng pandemya ng COVID-19 bago ma-endorso sa DOLE Regional Offices (ROs).Ang aplikasyon ay sa pamamagitan ng online link na http://tabangofw-ease.owwa.gov.ph/.
  2. Ang DOLE ROs ay isusumite ang listahan ng aprubadong mga benepisyaryo sa DOLE Central Office.
  3. Ang listahan ay kokonsolidahin ng DOLE CO para maisumite sa CHED-UniFAST ang certified masterlist ng Tabang OFW qualified beneficiaries.
  4. Ang DOLE Financial and Management Service ang maghahanda ng mga dokumento para sa fund transfer sa pamamagitan ng Cash Advance para sa mga DOLE ROs.
  5. Ihahanda ng DOLE ROs ang mga dokumentong tulad ng Budget Utilization Request and Status (BURS) at Disbursement Vouchers (DVs) para direktang maibigay ang tulong pinansyal sa mga benepisyaryo.
  6. Direktang ibibigay ang tulong sa account ng aplikanteng OFW o sa kanyang itinalagang benepisyaryo sa pamamagitan ng bank transfer o sa isang electronic payment facility sa loob ng dalawang (2) linggo pagkatapos maaprubahan ang aplikasyon.

Ang mga sumusunod na dokumento ay kailangang isumite ONLINE:

UNIFAST Requirements:

  • Receipt of proof of enrolment [i.e., Enrolment Assessment Form (EAF), Certificate of Registration (COR), Certificate of Enrolment (COE), etc.] o
  • Dokumentong para sa mag-eenrol [i.e., Assessment Form, Admission Test Result, etc.] na electronic format

OWWA Requirements

  • Pasaporte or iba pang travel documents
  • Proof of arrival kung returnee
  • Proof of displacement (i.e., POLO/Company Certification, Affidavit)
  • Death certificate o iba pang katulad na dokumento (sa namatay na OFW)
  • Embassy/Consulate official transmission
  • Proof of relationship sa dependent (Dependent birth certificate at Marriage Contract/CENOMAR ng OFW)
  • Affidavit na ang isang dependent ay hindi benepisyaryo rin ng anumang government scholarship o grant.

Ang tulong pinansyal ay may pondong P 1 bilyon at ibibigay lamang sa loob ng AY 2020-2021 para sa tintatayang mahigit na 30,000 benepisyaryo nito.

Kung naka-enrol na ang mag-aaral sa First Semester ng AY 2020-2021, maaari pa rin mag-apply para sa tulong pinansyal.

Kung balak naman mag-enrol sa Second Semester ng AY 2020-2021, maaaring mag-apply bago pa man mag-enrol subalit kailangang tandaan na ang aplikasyon ay bukas lamang hangga’t di pa nauubos ang pondo.

Makakatanggap ng tawag, text o email mula sa DOLE o OWWA regional offices na nakakasakop sa lugar ng aplikante kapag aprubado na ang aplikasyon.

Para sa mga karagdagang katanungan:

OWWA Hotline: 1348

DOLE Command Center
Email Address: commandcenter@dole.gov.ph

Cellular Numbers:
(Smart) 09615958438
(Globe) 09052535680

Landline Numbers:
(02) 85680986; (02) 85680984;
(02) 85273476; (02) 85273525;
(02) 85272115; (02) 53096605;
(02) 83538067

DOLE-Bureau of Local Employment (BLE)
(02) 8527-2539

Source: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.3508768932543273&type=3